Binigyang-diin ni senatorial candidate Camille Villar ang potensyal ng Cordillera Autonomous Region (CAR) sa turismo at imprastruktura sa pagdiriwang ng ika-113 anibersaryo ng Itogon. Nangako siyang susuportahan ang mga proyektong magpapasigla sa turismo at ekonomiya, kabilang ang mga kalsadang Labey-Lacamen at BLISTT Circumferential Road na nagpadali sa pagbiyahe papunta sa mga atraksyon gaya ng Atok Flower Gardens at Mt. Pulag.
Binanggit din niya ang bypass road na tinaguriang “Great Wall of Baguio City” na nag-uugnay sa Kennon Road at Loakan Airport. Ipinangako rin ni Villar ang pagpapatuloy ng mga proyektong sinimulan ng kanyang inang si Sen. Cynthia Villar, tulad ng mga composting facility sa ilang bayan ng Benguet.
Sa kanyang pakikipagpulong sa mga lokal na opisyal, tiniyak ni Villar na magiging boses siya ng CAR sa Senado para sa pag-unlad, kabuhayan, pagkakapantay-pantay ng kasarian, edukasyon, pabahay, at imprastruktura. RNT