Home METRO Turista, arestado sa pagwawala, paninira sa mall sa Makati

Turista, arestado sa pagwawala, paninira sa mall sa Makati

172
0

MANILA, Philippines – Isang German national ang inaresto matapos magwala at sumira ng ari-arian sa isang mall sa Barangay Carmona, Makati City noong Martes, Marso 17.

Ayon sa Makati City Police, si alyas Tim ay biglang nagwala bandang 9:19 a.m. sa basement ng mall.

Nakita sa CCTV na sinipa niya ang isang 55-inch TV na nakalagay sa vertical display rack, na nabuwal at nasira, nagkakahalaga ng ₱79,240. Nasira rin niya ang glass cover ng fire hose cabinet na tinatayang ₱3,000.

Habang nagkakagulo, nasaktan ang isa sa security personnel bago siya mapigil ng mga guwardiya.

“So pagpasok niya, sa di malamang dahilan nagwawala na. Natawag pansin ng security ng mall, nirespondehan na siya,” ani PCol Pedro Alagano, hepe ng Makati City Police.

Ang German national ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Makati City Police at haharap sa kasong Alarms and Scandals (Article 155) at Malicious Mischief (Article 327) sa ilalim ng Revised Penal Code.

Inaalam na rin ng mga awtoridad ang kanyang status sa tulong ng Bureau of Immigration at German Embassy. Batay sa paunang beripikasyon, posibleng lampas na sa bisa ang kanyang tourist visa simula Enero 24. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here