TURKEY – Niyanig ng magnitude 6.1 ang western Turkey nitong Linggo, Agosto 10.
Ayon sa AFAD disaster management authority, tumama ang lindol 7:53 ng gabi sa Balikesir province, malapit sa Istanbul.
Wala pang naiulat na nasawi o pinsala sa apektadong mga probinsya.
Sinabi naman ni Interior Minister Ali Yerlikaya na nagsimula nang mag-inspeksyon ang emergency teams mula sa AFAD sa paligid ng Istanbul at mga kalapit na probinsya.
Ang lindol na tumama ay may lalim na 11 kilometro. RNT/JGC