MANILA, Philippines – Hindi na papayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga party-list organizations na gumamit ng pangalan ng kilalang TV show at maging ang tulong ng pamahalaan o ayuda para sa susunod na halalan.
“Hindi na kami papayag sa susunod na accreditation process na gagamit sila ng mga sikat na telenovela na pangalan. Hindi kami papayag na gagamit sila ng mga pangalan ng ayuda. Hindi na po tama yun,” ayon kay Comelec chief George Erwin Garcia.
Ani Garcia, hindi makagagawa ng aksyon ang Comelec sa mga akreditadong partylist na may dala-dala ng ganitong pangalan, ngunit sinabing ang mga organisasyon na nag-aapply para sa accreditation ay matutukoy sa kanilang mga adbokasiya.
“Sa mga susunod we will no longer allow. If they want accreditation, change the names of their party in accordance with their principles, kung ano ang kanilang plataporma,” dagdag pa niya. RNT/JGC