Home HOME BANNER STORY TweetDeck gagawing eksklusibo para sa verified users

TweetDeck gagawing eksklusibo para sa verified users

MANILA, Philippines- Sa mga susunod na araw ay kailangang verified na ang Twitter users upang magamit ang TweetDeck, ayon sa social media company sa isang tweet nitong Lunes.

Epektibo ang pagbabago sa loob ng 30 araw, sabi ng kompanya.

Sa TweetDeck, kasalukuyang libre para sa lahat ng Twitter users, maoorganisa ng users ang mga account na pina-follow sa iba’t ibanh columns upang madaling mabantayan ang content.

Karaniwan itong ginagamit ng mga negosyo at news organizations, at ang aksyong singilin ang users sa paggamit ng TweetDeck ay makatutulong sa pagpapalakas ng revenue ng Twitter, na hirap mapanatili ang advertising revenue sa ilalim ng pagmamay-ari ng bilyonaryong si Elon Musk. RNT/SA

Previous articlePatay na dolphin, inanod sa dalampasigan
Next articleLolong nagduduyan inundayan ng 21 saksak, patay!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here