Manila, Philippines – Para kay Eugene Domingo, may bagong twist ang pagtatapos ng college education.
As in: “Pagkahaba-haba man ang panahon, gumradweyt din ako!”
In her The Eugene Domingo vlog, inamin ng komedyana that it took her eight years to finish her college.
Uge graduated with a degree in Bachrlor of Arts major in Theatre Arts mula sa UP, Diliman.
Walong taon daw niyang binuno ‘yon puwera pa ang isang taon sa Polytechnic University of the Philippines.
May paliwanag siya tungkol dito: “Mahilig talaga ako sa mga state universities!”
Yun lang daw ang can afford niya dahil aminado siyang: “Wala naman akong pambayad sa eskuwela. Pero kung merong bagay na hindi ko pinagsisisihan, ‘yun ‘yong nakapagtapos ako!”
“Most searched questions” ang tema ng unang sultada ng vlog ni Uge.
She got to reveal her age which is 53.
Ibinisto rin niya ang kanyang height: “I’m almost 5 feet. I’d rather say that kesa 4′ 11″.”
Ang indie film directed by Ishmael Bernal na pinamagatang Divide By Two ang una niyang pelikula.
In the film, Uge played the househelp of Charo Santos.
Inamin niyang nahirapan siyang umiyak sa eksena, citing the fact na teatro ang orientation niya.
At para makaiyak, binugahan daw siya ng binugahan ng usok ni direk Ishmael mula sa sigarilyo.
Binanggit din ni Uge ang kanyang Italian husband na si Danilo Botonni, a Muslim who cooks good Italian food.
Pero sa next vlog na raw niya tatalakayin ang tungkol sa kanyang pribadong buhay.
Kumbaga, patikim lang ang pilot episode ng vlog ni Uge, na join na rin sa dumaraming celebrity vloggers. Ronnie Carrasco III