Home METRO Mt. Kanlaon 7 beses nagbuga ng abo sa loob ng 24 oras...

Mt. Kanlaon 7 beses nagbuga ng abo sa loob ng 24 oras – Phivolcs

MANILA, Philippines- Pitong beses naglabas ang bulkang Kanlaon sa Visayas ng abo nitong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology nitong Sabado.

Tumagal ang ash emission events mula 12 hanggang 100 minuto, dagdag nito.

Naitala rin ang 11 volcanic earthquakes nitong Biyernes, ayon sa PHIVOLCS. Kabilang dito ang pitong volcanic tremors na tumagal mula 17 hanggang 100 minuto.

Samantala, nagbuga ang nasabing bulkan ng 3,994 tonnes ng sulfur dioxide nitong Biyernes.

Nananatili sa ilalim ng Alert Level 3 (Intensified Unrest/Magmatic Unrest) ang Kanlaon Volcano. RNT/SA