Home NATIONWIDE Ulat ng Russia-China drills sa SCS sisilipin ng AFP

Ulat ng Russia-China drills sa SCS sisilipin ng AFP

MANILA, Philippines- Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Miyerkules na wala itong natanggap na ulat hinggil sa pagsasagawa ng Russian corvette ng drills kasama ang Chinese warships sa South China Sea.

Ito ang inihayag ni AFP chief General Romeo Brawner Jr. batay sa ulat.

Sa kabila nito, sinabi ni Brawner na sisilipin nila ang sitwasyon “to ensure the safety of the Philippines under the rules-based order.”

Aniya pa, ipagpapatuloy ng AFP ang pagbabantay sa sitwasyon sa South China Sea, bahagi nito ang tinatawag na West Philippine Sea ng Manila.

Ayon sa Jakarta Post report, ang Pacific Fleet Sovershennyi corvette ng Russia, kasama ang detachment ng People’s Liberation Army Navy warships, “conducted training to inspect a suspicious vessel during a joint naval patrol in the Philippine Sea.” Kris Jose