MANILA, Philippines – Sampung araw nang nawawala ang isang 41-anyos na OFW na si Michael Lomibao matapos dumating sa Pilipinas noong Disyembre 2.
Si Lomibao, isang taon na nagtrabaho sa Saudi Arabia, ay pinauwi dahil sa hypertension. Nawalan ng contact ang kanyang pamilya sa kanya pagkarating niya sa Ninoy Aquino International Airport, at humingi sila ng tulong sa pulisya para mahanap siya.







