Home NATIONWIDE UN Special Rapporteur Khan dumalaw sa Malacañang

UN Special Rapporteur Khan dumalaw sa Malacañang

MANILA, Philippines – Dumalaw sa Malakanyang si United Nations Special Rapporteur Irene Khan nitong Huwebes, Pebrero 1 kasabay ng pakikipagkita kay Executive Secretary Lucas Bersamin upang pag-usapan ang kalagayan ng kalayaan ng pagpapahayag sa bansa.

Ayon sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), nagkaroon ng isang oras na “frank talk” sina Khan at Bersamin na kabilang din sa hakbang ng Marcos administration na palakasin ang rule of law at human rights.

Matatandaan na dumating si Khan sa Pilipinas noong Enero 22 at magtatagal hanggang ngayong araw, Pebrero 2, upang suriin ang sitwasyon ng rights to freedom of opinion and expression sa bansa.

Nitong weekend, binisita ni Khan ang Tacloban City Jail upang bisitahin ang “Tacloban 5”, na nahuli umano dahil sa ugnayan nito sa New People’s Army.

Nakipag-usap din siya sa Presidential Human Rights Committee Secretariat, PTFoMs, at Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa.

Nagkaroon din ng pagkakataon na makausap ni Khan ang Supreme Court justices, sa pangunguna ni Chief Justice Alexander Gesmundo upang talakayin ang Anti-Terrorism Act (ATA) and judicial reforms sa bansa. RNT/JGC

Previous articleHalos 800K pamilya ibinalik bilang 4Ps beneficiaries – DSWD
Next articlePagpapatibay sa kaso laban sa PNP officials na sangkot sa shabu haul, tinalakay