MANILA, Philippines – Nabili sa tumataginting na halagang $7-milyon o katumbas ng halos P400-M ang kauna-unahang basketball jersey ng namayapang si Kobe Bryant.
Sa ibinadang kwento ng Sotheby’s Auction sa New York City, ang nabiling jersey ay ang unang uniform ni Bryant sa pre-season at regular season.
Ginamit umano ni Bryant ng pitong laro ang nasubastang jersey mula 1996-97 rookie season kabilang ang October 16 pre-season debut at noong Nobyembre 3 regular season debut noon 1996 ganun sa kaniyang NBA media day.
Ayon sa ulat, pang-apat ito sa pinakamahal na gamit na naisuot ng isang atleta.
Sa record ng mga mamahaling nasubastang jersey, nangunguna ang jersey ng baseball star Babe Ruth na nabili sa halagang $24-M , jersey na suot ni Michael Jordan noong 1998 NBA Finals na nabili sa halagang $10.1 milyon at ang damit ni soccer star Diego Maradona noong 1986 World Cup na nabili sa halagang $9.3-
Sa Bryant collectible, nalagpasan nito ang $5.85-M na halaga na suot niya noong 2007-08 Most Valuable season jersey.
Matatandaang pumanaw ang five-time NBA champion sa edad na 41 noong Enero 2020 ng bumagsak ang sinakyang helicopter kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa.JC