Sa loob lamang ng 24 oras, naaresto ang 55 katao sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Laguna, kung saan nakumpiska ang Shabu at Marijuana na may kabuuang halagang Php 2,040,936.00.
Isinagawa ang operasyon mula alas-8:00 ng umaga ng Abril 26 hanggang alas-8:00 ng umaga ng Abril 27, 2025, sa mga bayan ng Alaminos, Los Baños, Biñan City, at San Pedro City, sa bisa ng 43 magkakahiwalay na operasyon.
Kabilang sa mga high-value individuals na naaresto sa Purok 2, Barangay Ganado ay sina alyas Rafael, Edwardo, at Rosalinda. Samantala, nadakip din sina alyas Ramil, Ringo, at Drixon sa Barangay San Agustin, Alaminos na kabilang sa street-value individuals, pati na rin sina alyas Josef sa Barangay Nueva, San Pedro City, at alyas Gio sa Barangay Mayondon, Los Baños.
Mga Nakumpiskang Ebidensya:
Kay alyas Rafael: 6 sachet ng hinihinalang Shabu (57 grams) – Php 387,600.00
Kay alyas Edwardo at Rosalinda: 7 sachet ng Shabu (87.4 grams) – Php 594,320.00; nakumpiska rin ang motorsiklo, belt bag, coin purse, at marked money.
Kay Ramil, Ringo, at Drixon: 3 sachet at isang knot-tied plastic ng Shabu (25 grams) – Php 170,000.00; nakumpiska rin ang baril, bala, at marked money.
Kay alyas Josef: 3 sachet at isang plastic bag ng Marijuana (200 grams) – Php 300,000.00; sling bag at marked money.
Kay alyas Gio: 4 sachet ng Shabu (15.2 grams) – Php 103,360.00; coin purse at marked money.
Ayon kay PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO4 CALABARZON, patuloy nilang paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga upang maprotektahan ang mga komunidad mula sa mapanirang epekto nito.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nakakulong sa iba’t ibang presinto at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ellen Apostol