Home NATIONWIDE ‘Unity’ pagtibayin ngayong Ramadan – Romualdez

‘Unity’ pagtibayin ngayong Ramadan – Romualdez

MANILA, Philippines – Sinabi ni House of Representatives Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Sabado, Marso 1 na ang holy month ng Ramadan ay dapat na magsilbing paalala sa mga Filipino na magkaisa.

Nanawagan din ang Speaker sa publiko na pahalagahan ang buwan na ito kung saan itinuturo ang ‘generosity, perseverance, understanding, and unity.’

“At a time when division threatens unity, let us choose to uplift one another, strengthen our communities, and promote peace—just as our Muslim brothers and sisters embody during this sacred month,” pahayag ni Romualdez.

“Sa diwa ng pagkakaisa at kapayapaan, nawa’y gamitin natin ang Ramadan bilang pagkakataon upang magbuklod bilang isang bayan. Magsilbing gabay nawa sa ating lahat ang pagpapahalaga sa kapayapaan, katarungan, at pananampalataya, at patuloy tayong magtulungan tungo sa mas maunlad at makatarungang lipunan para sa lahat,” dagdag pa niya.

Inihayag din niya na ang pananampalataya at sakripisyo ng mga Muslim ay isang inspirasyon para sa lahat.

“This is a lesson we can all embrace, regardless of faith, to build a society founded on compassion, justice, and mutual respect.”

Kasabay nito ay hiniling ni Romualdez na sana ay magdala ng “inner peace, renewed faith, and the boundless mercy of Allah,” ang holy month para sa mga kapatid na Muslim.

Matatandaan na inanunsyo ng Bangsamoro Grand Mufti na ang sagradong buwan ng Ramadan ay magsisimula ngayong araw, Marso 2. RNT/JGC