Home METRO University of Philippines: LRT sinita sa maling signage

University of Philippines: LRT sinita sa maling signage

MANILA, Philippines – Isa pang maling signage sa isa sa Light Rail Transit’s (LRT) stations ang naging viral nitong Miyerkules matapos maispatan ng mga netizen ang nawawalang kataga na “the” sa “University of the Philippines Manila.”

Ang signage na may nakasulat na “University of Philippines” ay makikita sa LRT-1’s Pedro Gil Station.

Pinagtawanan ito ng ilan habang ang iba naman ay maungkahi na dapat “UP Manila” na lamang ang inilagay ng management ng LRT sa signage.

Nauna nang naispatan ang maling spelling ng salitang “investigation” at ginawa ito na “National Bureau of Investagation”.

Samantala, ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) ay naglabas ng pahayag sa usapin at nagpasalamat sa “matang agila” na nakakita sa pagkakamali.

“Eagle eyes alert! Don’t worry, our team is already working on it. Thanks for helping us shine a light on the situation. Ingat po sa biyahe,” sabi ng LRMC.

Nitong Marso 21,2024 , ang signage sa Pedro Gil ay tinakpan na ng black tape.

Ang LRMC ay pribadong operator at maintenance provider ng LRT-1. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleNPA leader na suspek sa pagpatay sa 5 parak, aretado!
Next articleKaso ng rabies sa Bicol Region sumirit ng 100%