Home HEALTH Kaso ng rabies sa Bicol Region sumirit ng 100%

Kaso ng rabies sa Bicol Region sumirit ng 100%

MANILA, Philippines – Tumaas ng 100 percent ang kaso ng rabies sa Bicol region mula Enero 1 hanggang Marso 9 kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Department of Health (DOH)-Bicol.

Sinabi ng DOH na kabuuang 12 rabies cases ang naitala sa rehiyon sa loob ng halos tatlong buwan at lahat ng ito ay fatal.

Nanguna ang probinsya ng Albay na may anim na kaso habang ang probinsya ng Camarines Norte ,Sorsogon at Camarines Sur ay parehong may dalawang kaso.Wala namang naitalang kaso ng rabies sa probinsya ng Masbate at Catanduanes sa ngayon ngayong taon.

Sinabi ng DOH na ang Albay, Sorsogon at Camarines Norte ay nakapagtala ng 100 porsiyentong pagtaas ng kaso ng rabies.

Sa kabilang banda, bumaba ng 60 porsiyento ang bilang ng mga kaso sa Camarines Sur kumpara noong nakaraang taon.

Sinabi ni Jed Bailon, epidemiology at surveillance unit coordinator ng Albay Provincial Health Office (APHO), na ang mga kaso ng rabies ngayong taon ay resulta ng mga kagat ng hayop noong nakaraang taon.

“’Yung naitala pong kaso ng rabies sa Albay ay nung last year pa nakagat. ‘Yung latest ay ‘yung five-years-old sa bayan ng Tiwi. Napabayaan, hindi nagpa-bakuna kaya namatay,” sabi ni Bailon.

Aniya, karamihan sa mga kaso ay kagat ng aso at sa halip na pumunta sa mga animal bite treatment centers para sa bakuna laban sa rabies, ang mga biktima ay nagpatingin sa isang “albularyo” o quack doctors para magpagamot.

Isa sa anim na kaso ng rabies sa Albay patuloy na iniimbestigahan upang matukoy kung paano nakuha ang rabies virus. Sinabi ni Bailon na ang biktima ay kumain umano ng katay na aso na may sintomas ng rabies na tinawag na “rungaw”.

Dahil sa nakakaalarmang pagtaas ng rabies sa probinsya, sinabi ni Bailon na ang APHO ay nagsasagawa ng massive vaccination ng alagang aso at pusa sa bawat barangay.

Hinimok naman ng DOH-Bicol at APHO ang publiko na maging responsablemg cat at dog owners.

“Get your pets vaccinated to avoid the continuous spike of rabies cases that always resulted to death,” ayon pa sa DOH at APHO.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleUniversity of Philippines: LRT sinita sa maling signage
Next article‘No Degree, No Entry’ sa SUCs teaching staff, buburahin ng Senado