Home OPINION KABUTENYO FESTIVAL NG GMA, CAVITE

KABUTENYO FESTIVAL NG GMA, CAVITE

ANG bayan ng General Mariano Alvarez ang tinaguraiang pinakabatang bayan sa lalawigan ng Cavite. Isa sa pinagmamalaking selebrasyon sa  bayang ito ay ang masayang Kabutenyo Festival tuwing Marso ng bawat taon. Kasabay na rin ng kanilang festival ang paggunita sa Women’s Month kaya naman taunang binibigyang pansin sa pagdiriwang ang sektor kababaihan.

Noong Marso 10, 2024 nagsimula ang selebrasyon sa Sayawan sa Kabutehan – The Grand Streetdancing Parade of the 16th Kabutenyo Festival na nilahukan ng bawat barangay at iba’t-ibang sektor sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng GMA, Cavite.

Kaalinsabay na rin sa Women’s Month ay nailunsad ang Miss GMA 2024 na pinakatampok na aktibidad  noong gabi ng Marso 14 sa plaza. Datapwa’t bago ito ay naganap na ang Pre-Pageant noong Marso 3.

Panauhing tagapagsalita naman sa Grand Coronation Night sina Atty. Chel Diokno at Senator Riza Hontiveros na kinatawanan ng director nito na si Mr. Job Bordamonte.

Nasa 27 barangay ang nagtunggali sa Ms. GMA 2024 Coronation Night na hinusgahan ng board of judges na sina Ricardo Deri, professor ng UST,  PLM at Angelicum; Derick Lauchenco,  actor / model at Mr. Model Worldwide Philippines; Hannah Arnold, Binibining Pilipinas International; Kevin Sanchez,   youth advocate ng National Youth Commission – Office of the President; Johannes Rissler, actor / model / singer at Mr. Supranational Philippines, at Neil Perez, actor / model at Mister International.

Samantala, ang mga nagwagi ay sina Monica Mae Sata ng Brgy. Poblacion 3 bilang 4th Runner Up; Jeshua Ygot ng Brgy. San Gabriel bilang 3rd Runner Up; Karel Davis ng Brgy. E. Malia bilang 2nd Runner Up; Allysa Aloguin ng Brgy. F. De Castro bilang 1st Runner Up; at Althea Deogracias ng Brgy. Gregoria De Jesus bilang Ms. GMA 2024.

Makasaysayan ang pagkapanalo ni Deogracias bilang Ms. GMA 2024 sapagkat nakuha niya ang suporta at tulong ng kanilang SK Chairman na si  Justine Carl Zapata at Barangay Chairman Gerry Gozar.

Lubos ang saya at paghanga ng mga taga GMA, Cavite sa matagumpay na pagdiriwang sa pamamagitan ng mahusay na “Ina ng Bayan” na si Mayor Maricel Torres sampu ng kanyang mga kasamahan sa pamumuno mula sa Sangguniang Bayan. (Salamat Mam Jane Claudine Tabo at Sir Rommel Mengoy.)

Previous articleMAG-INGAT SA SCAMMERS AT EXTORTIONISTS
Next article‘BAYAY PAGLAUM’