Home OPINION ‘BAYAY PAGLAUM’

‘BAYAY PAGLAUM’

ALAM niyo ba kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyan?

Ang “Bayay Paglaum” ay matatagpuan sa Surigao del Norte. Ito ay isang lugar at masasabi nating isang ‘halfway house’ o tirahan na maaaring tuluyan ng mga dating rebelde na sumuko na at nagbalik-loob sa pamahalaan.

Sa “Bayay Paglaum” ng Surigao del Norte prinoproseso ang pagsuko, ang  pansamantalang pananaili ng mga dating lumalaban sa pamahalaan at naiisipang wala palang mangyayari sa isinusulong nilang ideyolohiya.

Bayay Paglaum din ang magbibigay sa kanila ng liwanag ng pag-iisip kung saan ipinakikita sa kanila ang pagsisikap ng pamahalaan na pagmalasakitan ang mamamayan nito.

Nabuo ang konseptong ito at istraktura sa pamamagitan nang pagtutulungan ng nasyonal at lokal na pamahalaan ng Surigao del Norte upang bigyan daan ang kapayapaang matagal nang pinapangarap ng lahat sa lugar.

Pinangunahan ni Surigao del Norte Governor Robert Lyndon Barbers, kasama si Brigadier General George L. Banzon, ang Assistant Division Commander ng 4th Infantry (Diamond) Division, mga opisyal ng Philippine National Police at opisyal ng Department of the Interior and Local Government  ang pagpapasinaya ng lugar.

Ang mga dating rebelde na nandoon din ay tinatawag na ngayong “Friends Rescued.”

Ang “Bayay Paglaum” din ang maghuhubog muli sa nga dating rebelde na makabalik nang tama sa ginagalawang lipunan. Iba rin ang paghawak nito sa mga kabataan at kababaihan na siyang maituturing na pinakadelikadong sitwasyon nang sila ay maging rebelde.

Walang ibang hangarin ang pagpapatayo ng Bayay Paglaum kundi mapabuti ang kalagayan ng mga nagsisisukong mga rebelde.

Previous articleKABUTENYO FESTIVAL NG GMA, CAVITE
Next articleGOBYERNO NATAUHAN NA, ICC ‘WAG MAKIALAM