Home NATIONWIDE Dangerous level na heat index asahan sa 10 lugar sa bansa ngayong...

Dangerous level na heat index asahan sa 10 lugar sa bansa ngayong araw!

MANILA, Philippines – Asahan ang ‘dangerous level’ ng heat index sa 10 lugar sa Pilipinas ngayong Easter Sunday, Marso 31.

Ayon sa PAGASA, inaasahang magkakaroon ng heat index na 42 degrees Celsius o higit pa ang mga sumusunod na lugar:

Ninoy Aquino International Airport, Pasay City: 42°C
Dagupan City, Pangasinan: 43°C
MMSU, Batac, Ilocos Norte: 42°C
Aparri, Cagayan: 42°C
Puerto Princesa, Palawan: 42°C
Aborlan, Palawan: 42°C
Iloilo City, Iloilo: 42°C
Dumangas, Iloilo: 42°C
Catarman, Northern Samar: 43°C
Butuan City, Agusan del Norte: 42°C

Samantala, mararanasan naman sa La Trinidad, Benguet ang pinakamababang heat index sa bansa sa 25 degrees Celsius.

Nitong Sabado, anim na lugar ang umabot sa dangerous level ng heat index.

Ang heat index ay tumutukoy sa temperaturang nararamdaman ng isang tao sa pagsasanib-pwersa ng air temperature at humidity. RNT/JGC

Previous article19 insidente ng pagkalunod, naitala sa Semana Santa – PNP
Next articlePulis tiklo sa pamamaril sa rider sa Parañaque