Home NATIONWIDE Utang ng Pinas dumausdos noong Marso sa gitna ng loan repayments

Utang ng Pinas dumausdos noong Marso sa gitna ng loan repayments

MANILA, Philippines- Bumaba ang utang ng national government nitong Marso ngayong taon.

Ang itinuturong dahilan ay ang “repayments” sa domestic creditors.

Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), nabawasan ang outstanding debt ng national government ng 1.6% nitong Marso, P14.93 trillion mula sa P15.18 trillion sa nakaraang buwan.

“This reduction was primarily attributed to repayments totaling P299.45 billion to investors who had purchased government securities, effectively offsetting the P240 million impact of peso depreciation on foreign currency domestic debt,” ayon sa BTr.

Gayunman, ang end-March debt level ay nananatili sa 7.7% mas mataas kumpara sa P13.85 trillion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Sa kabuuang debt stock, 68.86% ang kumakatawan sa domestic debt, habang 31.14% naman ang ipinagpapalagay naman sa external debt.

Ang domestic debt level ay nakapagtala ng 2.8% na pagbabago sa nasabing buwan, bumaba ito sa P10.28 trillion mula sa P10.57 trillion sa pagtatapos ng Pebrero.

“Since the start of the year, local debt has risen by P259.56 billion or 2.59 percent, while on a year-on-year basis, it has increased by P764.33 billion or 8.03 percent,” ayon pa rin sa ulat.

Taliwas naman ito sa foreign debt dahil tumaas ito ng isang porsyento, P4.65 trillion mula P4.6 trillion sa nakalipas na buwan.

Ang itinuturong dahilan ng BTr ay ang pagtaas ng karagdagang foreign loans na nagkakahalaga ng P44.01 billion, kasama ang epekto ng local currency depreciation, na nakapag-ambag ng P7.05 billion sa “valuation” ng US dollar-denominated debt.

“This more than offset the P4.83 billion impact of the appreciation of other currencies against the US dollar,” ayon sa BTr sabay sabing The peso averaged 56.26 against the US dollar in March, weaker than 56.174 in February. External debt has grown by P49.89 billion or 1.09 percent from its level at the end of December 2023 and by P304.50 billion or 7.01 percent on a year-on-year basis.” Kris Jose