Home HOME BANNER STORY ‘Gunman’ sa Kidapawan broadcaster slay arestado

‘Gunman’ sa Kidapawan broadcaster slay arestado

MANILA, Philippines- Nadakip na ang umano’y gunman sa pagpatay sa broadcaster na si Eduardo ‘Ed’ Dizon sa Kidapawan City, North Cotabato noong 2019, ayon sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) nitong Biyernes.

Batay sa ulat ng Special Investigation Team Dizon, kinilala ni PTFoMS executive director Undersecretary Paul Gutierrez ang suspek na si Junell Jane Andagkit Poten o “Junell Gerozaga,” 33-anyos.

Naaresto si Poten sa Barangay Saguing sa Makilala, Cotabato noong Huwebes ng gabi matapos makatanggap ng impormasyon ng mga awtoridad ukol sa kanyang kinaroroonan.

Base sa PTFoMS, si Poten ay may standing arrest warrant para sa murder sa Brigada FM radio anchor.

Pauwi sa kanyang tahanan si Dizon noong July 10, 2019 sakay ng kanyang sasakyan nang pagbabarilin siya ng dalawang armadong suspek. Dead on the spot ang biktimang nagtamo ng limang tama ng bala.

Ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla noong Abril ang paglikha ng special investigation team na mag-iimbestiga sa pagpaslang kay Dizon.

Ito ay matapos mapag-alaman ng task force na pinayagang makapagpiyansa ang co-accused at umano’y “utak” sa likod ng krimen, si Dante Encarnacion Tabusares o “Bong Encarnacion” at Sotero ‘Jun’ Jacolbe, noong Marso.

Base sa PTFoMS, pinaplanuhang patayin ng mga suspek si Dizon dahil sa pagtuglisa nya kay Encarnacion at sa KAPA Ministry, na ipinasara ng gobyerno noong 2019 sa pagiging “front for financial scam.”

Si Encarnacion ang pinuno ng KAPA sa North Cotabato, dagdag nito.

“We are certainly going to highlight these gains before the international community,” ayon kay Gutierrez, official delegate sa pagdiriwang ng UNESCO ng World Press Freedom Day sa Chile. RNT/SA