
MANILA, Philippines- Inaasahang bababa ang presyo ng langis sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) nitong Biyernes.
Ayon kay DOE-OIMB Director III Rodela Romero, narito ang estimated ranges ng rollback sa May 7, base sa 4-day trading:
Gasolina – P0.20 hanggang P0.45
Diesel – P0.50 hanggang P0.70
Kerosene – P0.60 hanggang P0.70
Sinabi ni Romero na “relevant international news contribute to the downward pressures on oil market.”
Kabilang dito ang:
Inaasahang Israel – Gaza ceasefire
“Uncertainties” sa US interest rate reduction
Pagtaas ng oil stocks/inventory ng US.