Home NATIONWIDE India pinasalamatan ng Pinas sa pagligtas sa Pinoy seafarers sa missile-hit ship

India pinasalamatan ng Pinas sa pagligtas sa Pinoy seafarers sa missile-hit ship

MANILA, Philippines – NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gobyerno ng India para sa “swift and decisive action” nito sa pagligtas sa mga Filipino crew members ng MV True Confidence, ang merchant ship na inatake ng Houthi rebels habang naglalayag sa Gulf of Aden noong Marso 6.

Ipinaabot ni Pangulong Marcos ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ni Indian Minister of External Affairs Subrahmanyam Jaishankar, na nag-courtesy visit sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.

“I express my profound gratitude to the Indian government for their swift and decisive action in rescuing Filipino seafarers involved in the MV True Confidence incident,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post.

“I look forward to further strengthening our bilateral relations for the mutual benefit of our nations.”dagdag na wika nito.

Mainit na tinanggap nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Executive Secretary Lucas Bersamin, Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., National Security Adviser Secretary Eduardo Año, Indian Ministry of External Affairs Additional Secretary (South) Ravi Shankar, Joint Secretary Sandeep Kumar Bayyapu, at Ambassador of India to the Philippines Shambhu Kumaran si Jaishankar.

Sa ulat, nailigtas ng medical team ng Indian Navy ang lahat ng mga crew members ng MV Confidence at binigyan ang mga ito ng matinding pangangalaga matapos na magtamo ang barko ng malalang pinsala mula sa Houthi missile strike.

Tatlong crew members, kabilang ang dalawang Filipino ang namatay.

Ang lahat ng Filipino crew members na nakaligtas mula sa pag-atake ay pauuwiin sa Pilipinas. Kris Jose

Previous articleAFP, magpapatupad ng pagbabago sa WPS resupply missions — Brawner
Next articleTrahedya sa Semana Santa: Kelot natagpuang patay habang nakasabit sa puno