Home METRO Trahedya sa Semana Santa: Kelot natagpuang patay habang nakasabit sa puno

Trahedya sa Semana Santa: Kelot natagpuang patay habang nakasabit sa puno

CAUAYAN CITY- Nagpatiwakal ang isang 26-anyos na binata sa sa Purok 6 Brgy. Bella Luz, San Mateo, Isabela nitong Martes Santo.

Kinilala ang biktima na si alyas “Efren”, walang asawa, magsasaka, at residente ng nasabing lugar.

Napag-alaman na bago ang insidente ay nakipag-inuman umano ang biktima sa bahay ng kanyang kuya.

Humingi umano ito ng permiso sa kanyang pamilya na sumama sa kanyang mga pinsan sa Maynila para doon magtrabaho pero hindi umano ito pinayagan bunsod ng kanyang kondisyon na ‘epilepsy’.

Matapos nito ay umalis umano ang biktima at natagpuan na lamang na nakasabit sa puni.

Sinubukan pang dalhin sa ospital ang biktima pero hindi na nailigtas pa. RNT

Previous articleIndia pinasalamatan ng Pinas sa pagligtas sa Pinoy seafarers sa missile-hit ship
Next articleCebu Doc grad topnotcher sa MedTech exam