Home METRO Cebu Doc grad topnotcher sa MedTech exam

Cebu Doc grad topnotcher sa MedTech exam

Nanguna sa Medical Technology Licensure Examination ngayong Marso 2024 ang isang nagtapos mula sa Cebu Doctors University, ayon sa Professional Regulatory Commission (PRC).

Nakakuha ng percentage rating na 93 percent si Jeency Aquilar Pilapil, ang pinakamataas mula sa 7,309 graduates na matagumpay na kumuha ng pagsusulit nitong buwan.

Mayroong tatlong Cebu Doc graduates na nakapasok sa Top Ten List.

Ang Top performing school naman na nakakuha ng 90 passing percentage ay ang Cebu Doctors University at Notre Dame ng Marbel University.

Maari namang makita ang kabuuang mga nakapasa sa 2024 Medical technologist Licensure Examination sa PRC website. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleTrahedya sa Semana Santa: Kelot natagpuang patay habang nakasabit sa puno
Next articleP72M marijuana nasamsam