Home METRO P72M marijuana nasamsam

P72M marijuana nasamsam

MANILA, Philippines – Nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation Cordillera Administrative Region (NBI-CAR)at iba pang ahensya ng gobyerno ang P72 halaga ng marijuana sa isinagawang operasyon sa Sitio Sangilo, Camp 4, Tuba, Benguet.

Ayon sa NBI, target sa interdiction/operation ang big time marijuana cultivator/distributor sa nasabing probinsya.

Katuwang ng NBI-CAR ang PNP Tuba MPS, PDEU/PIU, PIDMU – Benguet, PDEA – Baguio-Benguet, PDEA – CAR, RSET. at 2nd PMFC-Benguet PPO sa operasyon kung saan nasamsam ang 600 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na binalot sa black plastic sheets at sako na aabot sa naturang halaga.

Itinurn over na sa PNP Tuba MPS ang nakumpiskang marijuana para sa dokumentasyon at ipinadala sa RFU- Cordillera para sa qualitative forensic examination.

Sa imbestigasyon, nalaman na ang property ay inuupahan ng isang Felimon kung saan hindi batid ng may-ari na ginawa itong taniman ng marijuana.

Kasong paglabag sa R.A 9165 ang isasamapa laban kay Felimon at kanyang kasabwat. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleCebu Doc grad topnotcher sa MedTech exam
Next articleUmiwas sa kolorum ngayong Semana Santa – LTFRB