Home NATIONWIDE Umiwas sa kolorum ngayong Semana Santa – LTFRB

Umiwas sa kolorum ngayong Semana Santa – LTFRB

MANILA, Philippines – Iwasan at huwag tangkilikin ang mga kolorum na mga sasakyan.

Ito ang mahigpit na paalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko partikular ang mga babiyahe ngayong Semana Santa.

Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadoz III sa Kapihan sa Manila Bay na hindi saklaw ng insurance ang mga kolorum na sasakyan lalo na ang mga walang prangkisa.

Paliwanag ni Guadiz, walang maasahan na anumang tulong ang pasahero sakaling madisgrasya ang sinasakyan kung wala itong special special permit sa pagbiyahe.

Sinabi pa ni Guadiz na nasa 1,050 na bus ang pinagkalooban nila ng special permit kung saan hinihikayat niya ang iba na kumuha nito lalo na’t epektibo ang permit hanggang ikalawang linggo ng Abril.

Aniya, isang beses lamang magbabayad ang mga kumpaniya ng bus ng halagang P50.00 kada unit kaya’t wala na silang magiging problema sa pagbiyahe ngayong Semana Santa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleP72M marijuana nasamsam
Next articleTrahedya sa Semana Santa: Estudyante dumausdos sa ibinilad na mais, patay