Home NATIONWIDE Trahedya sa Semana Santa: Estudyante dumausdos sa ibinilad na mais, patay

Trahedya sa Semana Santa: Estudyante dumausdos sa ibinilad na mais, patay

CAUAYAN CITY- Patay ang isang estudyante matapos na mawalan ng kontrol ang sinasakyang motorsiklo sa ibinibilad na mais sa Brgy. Minanga, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang biktima na si alyas “Jomar”, 21-anyos, at residente ng Brgy. Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Ayon sa ulat na tinatahak ng biktima ang daang patungong hilagang direksyon pagkatapos ay nag-overtake ito sa isang truck.

Dito na niya nadaanan ang nakabilad na at mais sa daan dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa manibela at bumaliktad.

Bunsod nito, nagtamo ng malalang sugat sa ulo ang biktima.

Agad din siyang isinugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival. RNT

Previous articleUmiwas sa kolorum ngayong Semana Santa – LTFRB
Next articleSalvage victim itinapon sa creek sa Cavite