Home METRO Salvage victim itinapon sa creek sa Cavite

Salvage victim itinapon sa creek sa Cavite

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution o salvage ang natagpuang patay habang may tali sa kamay at paa, at may sugat sa ulo sa Brgy Pasong Buaya, Imus City, Cavite.

Sa report ng pulisya, hindi pa nakikilala ang biktima, na may mga sugat sa ulo.

Batay sa ulat, dakong alas-7:45 ng umaga nang natagpuang ang bangkay ng biktima ng isang residente sa isang creek sa Brgy Pasong Buaya 1 ng nasabing lugar.

Pinaniniwalaan nikang itinapon lang biktima sa lugar upang iligaw pulisya sa isasagawang imbestigasyon.

Nagsasagawa rin ng backtracking ng Closed Circuit Television (CCTV) sa lugar upang makakuha ng lead sa isasagawang follow up operation sa pagkakakilanlan ng biktima. Margie Bautista

Previous articleTrahedya sa Semana Santa: Estudyante dumausdos sa ibinilad na mais, patay
Next articlePinas nagpasalamat sa India sa pag-suplay ng 300,000 MT non-basmati white rice