Home NATIONWIDE Pinas nagpasalamat sa India sa pag-suplay ng 300,000 MT non-basmati white rice

Pinas nagpasalamat sa India sa pag-suplay ng 300,000 MT non-basmati white rice

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa India sa desisyon nito na mag-export ng 295,000 metric tons ng non-basmati white rice sa Pilipinas.

Ipinarating din ng Pangulo ang kanyang intensyon ng malalim na pagtutulungan sa India sa iba’t ibang larangan gaya ng agrikultura, imprastraktura at tanggulan.

“I’d like to thank you and please extend my gratitude to your Prime Minister (Narendra Modi) for the timely provision of imported rice that we bought from India. The very critical… a very crucial time since we are in the right now suffering the effects [of] drought,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang courtesy call ni India’s Minister of External Affairs Subrahmanyam Jaishankar sa Palasyo ng Malakanyang.

“I hope… we hope to do better and I hope to continue this trade with India, but not only in agri products but in other [areas]. The ambassador has been working very hard to promote all of these different exchanges and welcome once again,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ayon pa sa Punong Ehekutibo, nakatuon ang pansin ng Pilipinas sa agrikultura para matiyak ang food security, sinabi ang initial exchanges ng Pilipinas sa India.

Ayon pa sa Pangulo, nakabuo ng konklusyon ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) o isang joint consensus sa pangangailangan na palakasin ang supply chains—kapuwa “physical at digital supply chains.”

Bahagi naman ng pagpapalakas sa ‘connectivity’ para maisakatuparan ang mga pangunahing infrastructure projects, sinabi ni Pangulong Marcos na ang gobyerno ay nagsagawa ng rehabilitasyon at modernisasyon sa mga pangunahing paliparan sa Maynila.

Para naman kay Jaishankar, sinabi nito na ‘looking forward’ si Prime Minister Modi na I-welcome si Pangulong Marcos sa India para sa isang state visit, kung saan ay welcome naman kay Pangulong Marcos.

“It would be nice if the President’s visit coincides with 75th anniversary celebration of the two countries’ diplomatic relations,” ayon kay Jaishankar.

Matatandaang, Oktubre ng nakaraang taon, inaprubahan ng India ang pagpapadala ng 295,000 metric tons ng non-basmati white rice sa Pilipinas, itinuturing na pinakamataas na alokasyon na naibigay nito sa isang foreign country matapos bawiin ang restriksyon sa mga partikular na bansa.

Sa ulat, nagpalabas ang India’s Ministry of Commerce and Industry ng notification o abiso na may petsang Oktubre 18 na ang Pilipinas kasama ang Nepal, Cameroon, Cote d’ Ivore, Malaysia, Seychelles, at Republic of Guinea ay pawang mga “eligible” para sa exports.

Ipinagbawal ng India, itinuturing na “world’s largest rice exporter” ang pag-export ng non-basmati rice noong Hulyo 2023 para pakalmahin ang tumataas na presyo sa domestic market nito. Kris Jose

Previous articleSalvage victim itinapon sa creek sa Cavite
Next articlePH Red Cross todo-alerto sa Semana Santa