Home ENTERTAINMENT Marian, pumalag sa post sa biyenan!

Marian, pumalag sa post sa biyenan!

Manila, Philippines- “Tama na…nakakarami na kayo!”

Ito ang obyus na iritang sagot ni Marian Rivera sa kung sinuman ang nasa likod ng “fake quote” attributed to her sa social media.

May kinalaman kasi ‘yon sa mga biyenan, na kung tutuusi’y harmless naman.

Marian’s “post” reads: “Kaway-kaway sa mga suwerte sa biyenan! Hindi man sweet sa social media, pero mabait, concerned sa ‘yo at sa mga bata. Hindi sinusulsulan ang mga anak na lalaki at parang anak din ang turing sa ‘yo!”

Harmless man kung tutusuin, Marian denies having said that.

Baka nga naman isiping may isyu sila ng ina ng asawang si Dingdong Dantes.

Isa pa, nagkakasunud-sunod ang mga showbiz separations.

Tila mas angkop ang quote na ‘yon as having come from Sarah Lahbati, na may issue sa kanyang biyenang si Annabelle Rama.

Ang ending: ikinapikon ni Marian ang pagpapalabas na sa bibig niya galing ang post na ‘yon, as though she’s throwing shade at the Dantes matriarch.

Ang alam namin, Dingdong’s mom treats Marian like her own.

Minsan nang pinasalamatan ng GMA Primetime Queen in her guesting on Family Feud last year ang kanyang biyenan.

Noon daw kasing panahon ng pandemya ay pinadadalhan sila nito ng pagkain.

Obyus na “suki” ng mga fake news peddlers si Marian kaya tuloy nakapagdayalog ito ng: “Nakakarami na kayo, ha?!”

Kumbaga, quota na! Ronnie Carrasco III

Previous articleTaas-singil ng Meralco kasado ngayong Pebrero
Next articleDICT: Tsina handang makipagtulungan sa pagtalop sa cyberattacks