Home HOME BANNER STORY Taas-singil ng Meralco kasado ngayong Pebrero

Taas-singil ng Meralco kasado ngayong Pebrero

MANILA, Philippines- Dahil sa mas mataas na presyo ng langis, inanunsyo ng Manila Electric Co. (Meralco) nitong Huwebes ang pag-akyat din ng electricity rate ngayong buwan ng P0.5738 per kilowatt-hour (kWh).

Nangangahulugan ito ng halos P114 dagdag sa bill ng mga kustomer na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan. Ang kabuuang electricity rate ng isang tipikal na tahann ay aabot na sa P11.9168 per kWh.

Ayon sa Meralco, nagresulta ang dagdag-presyo sa langis maging paghina ng piso sa mas mataas na generation charge.

Tumaas ang generation charge, o “power purchased from suppliers” na katumbas ng mahigit 50 porsyento ng bill ng Meralco customer, nh P0.4552 per kWh sa P7.1020 per kWh.

Pumalo rin ang net increase ng taxes, transmission at iba pang charges sa P0.1186 per kWh.

Ito ang ikalawang sunod ng buwan ng electricity rate hikes.

Noong Enero, tumaas ang singil ng Meralco ng P0.0846 per kWh dahil sa mas mataas na spot market charges dahil mas maraming power plants sa Luzon grid ang sumailalim sa scheduled maintenance shutdowns. RNT/SA

Previous articlePBBM, VP Sara dumalo sa pamamahagi ng lupa sa Davao City
Next articleMarian, pumalag sa post sa biyenan!