Home NATIONWIDE ‘Unli probe’ vs Alice Guo, aprub kay Escudero

‘Unli probe’ vs Alice Guo, aprub kay Escudero

Inaprubahan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang “unlimited hearing” sa imbestigasyon ng Senado sa aktibidad at pagkakakilalan ni Banbam Mayor Alice Guo matapos ihayag ng lider ng Senado na dapat patunayan ng nag-aakusa ang akusasyon sa suspek.

“Yun naman talaga ang sinasabi ng Korte Suprema, yun ang umiiral na batas at walang kinalaman yan sa pagpapatuloy o hindi pagpapatuloy ng hearing,” ayon kay Escudero.

Ayon kay Escudero, maaaring magsagawa ng pagdinig ang komite ni Senador Risa Hontiveros hanggang gusto nilang upang mahukay ang lahat ng isyu na bumabalot kay Guo.

“Puwede siyang mag-hearing nang unli hanggang gusto niyang mag-hearing o hanggang matapos yung nais niyang makuhang impormasyon at kaalaman para maghain ng panukalang batas na magagamit ng ating mga kababayan at bansa,” ayon kay Escudero.

Iniimbestigahan ni Hontiveros, chairman ng Senate’s Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang kasong human trafficking at criminal activities na hinihinalang ginagawa ng offshore gaming operations, na kasosyo ni Guo.

Kinalkal din ng Senado ang pagkakakilanlan ni Guo dahil wala itong maipakitang legal na dokumentong magpapatunay na isa siyang Filipino sa hinalang pakawala siya ng China sa Pilipinas bilang spy.

“‘Yung sinasabing walang connect doon sa national security, I think it’s important. We have seen and heard a lot of news and even intel information na merong koneksyon ‘yung pamilya niya doon sa CCP doon sa China,” ayon kay dating Senate Majority Leader Joel Villanueva sa pagsuporta sa imbestigasyon.

“It is important na talagang matuloy ‘yung hearing at talagang makita natin ito,” dagdag niya. “I hope and I pray na (that) once and for all we step up our game, especially our concerned government agencies especially ang DOLE, ang BI, at iba pa (especially DOLE, BI, and others).” Ernie Reyes