Home NATIONWIDE ‘Unparliamentary’ na banat ni Leviste sa mga kasamahan sa Kamara, ibinasura ng...

‘Unparliamentary’ na banat ni Leviste sa mga kasamahan sa Kamara, ibinasura ng House leaders

73
0

MANILA, Philippines – Binatikos ng mga lider ng Kamara si Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste matapos bansagan ang kanyang privilege speech na “unparliamentary”, dahil sa pag-akusa sa mga miyembro ng malawakang vote-buying noong 2025 elections nang walang ipinaprisintang ebidensya.

Sina Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union at Deputy Speaker Jay Khonghun ng Zambales ang nanguna sa pagpuna kay Leviste, kung saan sinabi nilang kinaladkad ng mambabatas ang buong institusyon sa kontrobersya gamit lamang ang mga sabi-sabi.

“Privilege is given to members so we can speak truth with courage, not so we can weaponize the floor for rumors, innuendo and baseless accusations,” ani Ortega.

Sinegundahan ito ni Khonghun sa pagsasabing: “What Rep. Leviste did was unparliamentary. Hindi porket congressman ka, puwede ka nang manglait, magparatang at mandamay ng buong institusyon nang walang hawak na ebidensiya.”

Sentro ng talumpati ni Leviste ang pulitika sa Batangas, ngunit umani ito ng matinding pagtutol nang idamay na niya ang lahat ng miyembro ng Kamara sa alegasyon ng vote-buying at pagsabing mas mataas ang gastos sa halalan sa Calabarzon kumpara sa ibang rehiyon.

Maging si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima ay binatikos din ang batang kongresista, tinawag niyang offensive at unfair ang general accusation nito sa mga mambabatas na malinis na lumaban sa halalan.

Nagbabala rin si Khonghun na ang ganitong mga walang basehang akusasyon ay nagpapahina sa tiwala ng publiko sa mga institusyon. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here