MANILA, Philippines- Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “unsung heroes” ng Pilipinas kabilang na ang mga guro, magsasaka at healthcare workers kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng Lunes, Agosto 26 ng bansa ng National Heroes’ Day.
“Today, we pay tribute to the countless unsung heroes whose contributions are no less significant in building and pushing our nation forward-the farmers who till our land, the wage earners who propel our economy, the teachers who shape the minds of our youth, the healthcare workers who save lives, the civil servants who respond to the needs of the public, and the everyday citizens who carry out simple acts of kindness to others,” ang bahagi ng naging mensahe ni Pangulong Marcos.
“In honoring our heroes, we affirm as our own the values, virtues, and ideals they stood for,” dagdag na wika nito.
Inalala ni Pangulong Marcos ang katapangan ng mga itinuturing na mga bayani na ipinaglaban ang kalayaan.
Ang mga bayani aniyang ito ang dahilan kung bakit nararanasan ng mga Pilipino ang kalayaan na mayroon ang mga ito ngayon.
“Our heroes’ stories of courage, resilience, and patriotism bear even greater significance now that we are on the journey to becoming a truly revitalized and united nation,” ang sinabi ni Pangulo.
“From the valiant resistance of Lapu-Lapu against foreign invaders to the revolutionary spirit of Andres Bonifacio and the resolve of the Katipuneros, our rich heritage has been forged in the fires of struggle,” dagdag niya.
Ipinaalala naman sa mga Pilipino nina Jose Rizal, Apolinario Mabini, Emilio Jacinto, at iba pang bayani ang pangangailangan ng walang humpay na pagsisikap at paglaban para sa mas maayos na hinaharap.
Samantala, ngayong umaga ay pangungunahan ni Pangulong Marcos ang National Heroes’ Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City. Kris Jose