MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) noong Linggo ang publiko na samantalahanin ang Register Anywhere Program (RAP) sa pribadong establisimyento at government offices sa buong bansa hanggang Aug. 31.
Sa social media post, sinabi ng poll body na ang kwalipikadong mga Pilipino na gustong bumoto sa May 2025 election ay maaring bumisita sa pinakamalapit na RAP site saan man sila nakatira.
Ang mga dokumento at nakuhang datos ng nagparehistro ay ipadadala ng tatanggap na RAP team sa opisina ng Election Officer ng distrito/lungsod/munisipyo na may hurisdiksyon sa aplikante.
Lahat ng RAP site ay tumatanggap din ng mga aplikasyon ng mga na-deactivate na botante dahil sa kabiguan na bumoto sa nakaraang dalawang halalan; paglipat ng mga botante sa ibang bansa pabalik sa Pilipinas (post to local); ng mga residente ng lungsod/distrito kung saan matatagpuan ang mga RAP site; at ng mga senior citizen at mga taong may kapansanan na bagong rehistro o maga-update ng kanilang mga rekord.
Ang deadline ng nationwide voter registration ay sa Sept. 30.
Ang mga karapat-dapat na magparehistro bilang mga botante ay dapat na 18 taong gulang pataas, naninirahan sa Pilipinas nang hindi bababa sa isang taon, at naninirahan sa lugar kung saan siya dapat nakarehistro nang hindi bababa sa anim na buwan bago ang araw ng halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden