Home NATIONWIDE UP Manila, NNC sanib-pwersa vs PH malnutrition

UP Manila, NNC sanib-pwersa vs PH malnutrition

MANILA, Philippines- Nagtutulungan ang University of the Philippines Manila (UPM) at ang National Nutrition Council (NNC) sa pagsulat ng isang handbook upang tugunan ang isyu ng malnutrisyon sa bansa.

Kabilang sa mga nilalaman ng  “Barangay Nutrition Scholar Handbook on Community Nutrition Services  (Book III)” ang basic competencies na rekisitos sa ilalim ng Community Nutrition Services National Certificate II (CNS NC II) ng Technical  Education and Skills Development Authority (TESDA) certification.

Saklaw ng basic competencies na ito ang pagbusisi sa nutritional status ng mga batang edad limang taong gulang pababa; pag-asisti sa barangay nutrition committee sa kanilang mga tungkulin; pagtulong sa paghahatid ng nutrisyon at mga kaugnay na serbisyo; pagsusulong at pagpapairal ng positibong nutrition behaviors at pag-monitor at ebalwasyon ng nutrition programs.

Magsisilbing gabay ang handbook sa Barangay Nutrition Scholars upang labanan ang malnutrisyon sa bansa, na nahaharap sa undernutrition, kabilang ang stunting (low height-for-age), wasting (low weight-for-height), at underweight (low weight-for-age); pagdami ng kaso ng overweight at obesity; at micronutrient deficiency.

“The goal of the government is to reduce the burden of malnutrition among the  Filipinos because investment in nutrition can lead to economic development,” pahayag ni Dr. Kim Leonard Dela Luna, Associate Professor ng Department of Nutrition ng UP Manila.

Base sa Food and Nutrition Research Institute 2021 survey, isa sa limang school-age Filipino children ang underweight at stunted.

Napag-alaman din sa parehong survey na isa sa kada 15 school-age children ang wasted, at isa sa kada 10 school-age children ang overweight.

Samantala, isa sa kada limang adolescents ang stunted.

Ang binubuong handbook ang ikatlong materyal para sa Barangay Nutrition Scholars. RNT/SA