Home NATIONWIDE Updated list ng 2025 elections candidate inilabas ng Comelec

Updated list ng 2025 elections candidate inilabas ng Comelec

(via Danny Querubin)

MANILA, Philippines – Inilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang bagong listahan ng mga kandidato para sa halalan sa 2025 matapos maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa diskwalipikasyon ng ilang kandidato.

Ayon sa resolusyon ng Comelec, inutusan ang Law Department na i-update ang database at certified list of candidates.

Kabilang sa mga idinagdag sina Subair Guintum Mustapha bilang kandidato sa pagkasenador, at sina dating Representative Edgar Erice at Charles Savellano para sa House of Representatives.

Idinagdag din sa listahan ang ilang lokal na kandidato tulad nina Chito Balintay para gobernador ng Zambales, Florendo Ritualo Jr. para konsehal ng San Juan, Marie Grace David para bise alkalde ng Limay, Bataan, Mary Dominique Oñate para alkalde ng Palompon, Leyte, at Aldrin Sta. Ana para alkalde ng Bocaue, Bulacan.

Tiniyak ng Comelec na kasama ang mga pangalang ito sa opisyal na balota para sa halalan sa Mayo 12.

Samantala, nalugi ang Comelec ng ₱132 milyon nang masayang ang anim na milyong balota dahil sa TRO ng Korte Suprema. Ang mga balotang ito ay dinala sa Laguna para tunawin bilang bahagi ng wastong pagtatapon.

Nakatakda namang simulan ang reprinting ng 73 milyong balota sa Enero 22. In-upgrade rin ang automated election system (AES) upang maisama ang mga dagdag na pangalan sa opisyal na balota. RNT