Home ENTERTAINMENT Sofia, di bet makipagbati kay Jillian!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sofia, di bet makipagbati kay Jillian!January 21, 2025 12:54 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Kung may pamosong kasabihang: “There’s no such thing as forever,” sana’y applicable din ito sa mga artistang nagkakagalit.Two such artists ay mula sa GMA, currently at the peak of their careers.Sila’y sina Jillian Ward at Sofia Pablo na kapwa mga bida in their respective primetime shows.Humahataw si Jillian via My llonggo Girl while Sofia headlines Ang Prinsesa ng City Jail.Nagsama na ang dalawa noon via Prima Donnas.At doon na rin nagsimula ang balitang rift nila which to this day has not been resolved.As much as possible, since they are both Sparkle artists ay ayaw na silang intrigahin at kalkalin pa what caused their enmity toward each other.Pero kung si Sofia ang tatanungin, ni hindi nga raw niya alam how their feud started.At tila wala na ring intensyon si Sofia na ugatin ‘yon.Pero ang matindi, Sofia sees no reason to reconcile with Jillian.For sure, Jillian feels the same way.Pero maitatanong lang–what is GMA doing about it?Is their home network lifting a finger to patch up their differences?Hindi ba’t lalo lang lalawig ang gap ng dalawa sa tuwing inilalabas ng GMA ang ratings ng kanilang mga programa?So far, so good naman ang ratings ng My longga Girl at Ang Prinsesa sa City Jail.Pero hanggang kailan mame-maintain ng mga ito ang kanilang ratings?Hindi lang pala naka-concentrate ang competition sa mga networks kundi may “internal bardagulan” din!Abangan na lang natin kung kaninong show ang mas tatagal sa ere!Oh, it brings back memories of GMA’s old shows Marian Rivera’s Carmela and Jennylyn Mercado’s Rhodora X many years ago! Ronnie Carrasco III