Manila, Philippines – Sinamahan ni Pauleen Luna ang kanyang mister na si Bossing Vic Sotto bilang show of support sa kinakaharap nitong kaso laban kay direk Darryl Yap.
Nagkita nga sina Vic at Darryl sa Branch 205 ng Muntinlupa Regional Trial Court.
Ito’y para sa summary hearing ng writ of habeas data na isinampa ng TV host-comedian.
Kaugnay ito ng ilang bilang ng cyber libel kay Darryl bunsod ng teaser ng kontrobersyal na pelikula nito na The Rapists of Pepsi Paloma.
lang oras ding tumagal ang proseso.
Inabangan ng media kapwa sina Vic at Darryl hanggang makalabas ng hearing na itinakda alas otso y medya ng umaga.
Unang lumabas si Vic bandang alas diyes y medya.
Kaso, nakiusap na ito: “Hindi ako puwedeng magsalita eh!”
May kaugnayan ito sa gag order na ipinataw ng korte sa magkabilang kampo.
Lumabas naman bandang 12:30 ng hapon si Darryl.
Una munang kinumusta ang kalagayan niya ng media: “I’m okay. I’m finishing the movie.”
Tinanong din ang direktor sa tsansang mailabas at mapanood ang kanyang pelikula.
“Dapat,” matipid niyang sagot.
Nitong Biyernes, obyus na lumiban si Bossing sa Eat Bulaga dahil sa scheduled face-off nila ni Darryl sa korte.
Abangan ang mga susunod na developments sa kasong ito! Ronnie Carrasco III