MANILA, Philippines – Planong amyendahan ni Senador Pia Cayetano ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act dahil kuwestiyonable ang kakayahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa implementasyon nito.
Sa panayam, sinabi ni Cayetano na inilipat ng Republic Act 11900 sa DTI mula sa Food and Drugs Administration (FDA) ng Department of Health (DOH) ang regulasyon ng vaping products dahil may dalubhasa ang ahensiya sa pagtutukoy ng epekto nito sa kalusugan ng mamamayan.
Kilala ang RA 11900 bilang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, na naipasa noong July 2022 at nagtatakda ng regulasyon sa pagbebenta, paggamit, at distribusyon ng vaping products.
“Kahit i-Google niyo ang DTI, may mandate ba sila sa health? I always ask DTI, what is your competence?” sabi ni Cayetano, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Cayetano, ang tanging kaalaman ng DTI tungkol sa isyung ito ay sa pagtetest ng vaping devices.
Ipinaliwanag ng senador na walang kakayahan ang DTI sa pagsusuri ng nilalaman o chemical components ng vaping products kumpara sa FDA.
“To be able to test properly, you need pharmacists, nurses, toxicologists, experts on classification of chemicals, addiction specialists, and even pediatrics,” aniya.
Nang tanungin ang senador kung dapat bang baguhin ang nasabing batas, sinabi ni Cayetano na bahagi ng kanyang findings sa Senate Blue Ribbon Committee.
“May ilang bills na akong naka-file,” aniya.
Nangako rin si Cayetano na patuloy nitong itataguyod ang mas mahigpit na regulasyon sa vaping at tobacco products.
“I will fight it till the end, when I find the right allies and we can pass a new law. If not, I will just continue talking about it and fighting about it,” aniya. Ernie Reyes