Home ENTERTAINMENT David at Sanya, nag-jogging, na-bash!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES David at Sanya, nag-jogging, na-bash!January 21, 2025 12:28 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Sala sa init, sala sa lamig.Angkop na paglalarawan ito sa ibang mga selosang fans ni David Licauco.Hindi kasi lahat ng mga tagahanga ni David ay boto kay Barbie Forteza if ever they end up together in real life.May resistance na nga ang mga ito nang pagtambalin sina Barbie at David sa Pulang Araw.So, who do they want for David?Are they rooting for Sanya Lopez?Ang sagot–eh, ‘di lalong ayaw nila ang kanilang idol para kay Sanya!Feeling nga nila, may itinatago ngang pagtatangi noon si Sanya when they were doing Pulang Araw.Lalo pang na-bash si Sanya nang maispatang nagdya-jogging sila ni David.Pero ang kuwento pala doon ay on shooting break sina Sanya at David sa pelikulang Samahan ng mga Makasalanan.The said film is a collaborative project between GMA Pictures at ang production company ni Chavit Singson.Since naka-break nga sila, kesa tumunganga sa set ay naisip nina Sanya at David na magpapawis–hence jogging together.Hindi ‘yon nagustuhan ng mga fans ni David!Eh, paano ‘yan? Mukhang Sanya and David are working on two film projects together.Which means they’ll spend more time together.At malay naman natin where their working relationship might lead to?You can never tell… Ronnie Carrasco III