Home NATIONWIDE Website capacity pinaigting ng DBM sa kabila ng fake news sa 2025...

Website capacity pinaigting ng DBM sa kabila ng fake news sa 2025 budget

MANILA, Philippines – INANUNSYO ng Department of Budget and Management (DBM) ang system upgrade sa website nito kasunod ng pagtaas ng trapiko at paglaganap ng ‘misleading claims’ kaugnay sa 2025 General Appropriations Act (GAA).

Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na ang Information and Communications Technology Systems Service (ICTSS) nito ay nagsagawa ng three-hour maintenance mula alas-10 ng gabi , araw ng lunes hanggang ala-1 ng madaling araw , araw ng Martes, para i-improve ang bilis at episyente ng website.

Ang hakbang ay bunsod at sa gitna ng ‘false rumors’ na umiikot sa online na di umano’y pinalitan ng DBM sa 2025 GAA sa pamamagitan ng “filling in the blanks.”

Hayagang itinanggi ng DFBM ang pahayag na ito.

“There is no truth to the rumors disseminated by fake news peddlers and professional government destabilizers that the DBM edited the 2025 General Appropriations Act (GAA) to fill in the blanks, as there is no single page or figure missing in the 2025 GAA,” ang sinabi ng DBM.

Ang 2025 GAA ay “publicly available’ simula Enero 3, 2025 sa pamamagitan ng website nito.

Sinasabing madali naman itong ma -access ng libo-libong users online.

Ang printed copies ay available kapuwa sa Dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Binigyang diin pa rin ng DBM na ang National Expenditure Program for 2025, nakabalangkas ang panukalang budget ng pamahalaan, in-upload sa website noong Hulyo 29, 2024.

Tinukoy din ng DBM ang kamakailan lamang na pagkilala sa Pilipinas bilang

“Most fiscally transparent nation” sa Asya, resulta ito ng commitment ng Pilipinas sa transparency sa pamamagitan ng inisyatiba gaya ng Open Government Partnership and Digitalization.

Sa kabilang dako, hinikayat ng DBM ang publiko na maging maingat sa mga ‘misinformation’ at sanayin ang pang-unawa sa pagsusuri sa mga naglalabasang pahayag.

Sa ulat, kamakailan lamang ay sinabi nina dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte at Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab na may 13 pahina ng budget kasama ang mga items na may blank appropriations, nagpapanukala ng “blank check” scheme para sa future allocations.

Hayagang itinanggi naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang alegasyon na ito, mariing sinabi na “nagsisinungaling” ang dating Pangulo at batid aniya ni Digong Duterte na bilang Pangulo ng bansa ay hindi maipapasa ang budget ng may blank items.

Samantala, sinabi naman ng DBM na ang alegasyon ay “malicious and irresponsible allegations,” sinabi pa nito na ang pinresenta nina Digong Duterte at Ungab na mga pahina mula sa Bicameral Conference Committee Report, at hindi ang General Appropriations Bill o ang aprubadong GAA. Kris Jose