Home NATIONWIDE US aalis sa WHO

US aalis sa WHO

UNITED STATES- Aalis ang Estados Unidos sa World Health Organization, sinabi ni US President Donald Trump nitong Lunes, Enero 20 kasabay ng pagtukoy sa mishandling ng global health agency sa COVID-19 pandemic at iba pang international health crisis.

“World Health ripped us off, everybody rips off the United States. It’s not going to happen anymore,” sinabi ni Trump kasabay ng pagpirma niya sa executive order sa withdrawal, ilang sandali matapos ang inauguration nito sa kanyang ikalawang termino.

Wala pang tugon ang WHO tungkol dito.

Nangangahulugan ang hakbang na ito na aalis ang US sa WHO sa loob ng 12 buwan at ititigil ang lahat ng financial contributions nito sa trabaho.

Sa kasalukuyan ay ang US ang pinakamalaking financial backer ng WHO na nag-aambag ng 18% ng overall funding nito. RNT/JGC