Home NATIONWIDE US Congress pinasalamatan ni PBBM sa patuloy na suporta sa US-PH Alliance

US Congress pinasalamatan ni PBBM sa patuloy na suporta sa US-PH Alliance

MANILA, Philippines – PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga miyembro ng U.S. Congressional Delegation (CODEL) para sa kanilang nag-uumapaw na suporta sa US-Philippines alliance.

“The fruits of those partnership, of those alliance that we are now forming to face up to these new challenges that we really had before are I think is very true although we are [coming] from resolution at least to manage the situation,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga miyembro ng U.S. delegation.

“Again, on behalf of the Philippines, we express our gratitude for all the United States has done and continues to do in support of our alliance and to strong adherence for the Philippines,” ang sinabi pa rin ng Pangulo sa congressional delegation.

Nauna rito, nakipagpulong ang U.S. Congressional delegation, sa pangunguna ni Rep. Michael T. McCaul (Republican-Texas), Chairman ng House Committee on Foreign Affairs at Chairman Emeritus ng House Committee on Homeland Security, kay Pangulong Marcos sa isinagawang courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang.

Kasama nya si Addison Graves Wilson (Republican- 2nd district ng South Carolina), miyembro ng House Committee on Foreign Affairs.

Pinasalamatan naman ni Representative McCaul si Pangulong Marcos para sa suporta ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Pinuri naman ni McCaul si Pangulong Marcos para sa kanyang “very strong speech” sa Shangri-La Dialogue sa Singapore noong nakaraang Myo, malugod na tinanggap ang kanyang posisyon sa kalayaan.

“The supplemental (appropriation) is very important, we see Israel, see Ukraine, see Indo-Pacific—three areas in the world, three regions [receiving] attack from tyrannical governments. We see President Putin and President Xi made an alliance in Beijing,” ayon kay McCaul sabay sabing tinitiyak ng kanyang bansa na kasama ang Pilipinas sa Foreign Military Financing (FMF).

Inanunsyo naman ng mga American official sa 4th PH-U.S. 2+2 Ministerial Dialogue ang ukol sa panukalang alokasyon ng US$500 million para sa Pilipinas mula sa US$2.5 billion FMF supplemental budget para sa Indo-Pacific.

Ang Estados Unidos ang ‘oldest and only treaty ally’ ng Pilipinas.

Nananatili namang mahalagang haligi ng Philippines-U.S. bilateral relations ang bilateral defense at security engagement na isinasagawa sa loob ng framework ng Mutual Defense Treaty (MDT), Visiting Forces Agreement (VFA), Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), at iba pang bilateral agreements.

Ukol naman sa economic front, nananatili naman na mahalaga at strategic trading at investment partner ng Pilipinas ang Estados Unidos sa pagkakaroon ng ‘common interest’ sa pagsusulong ng agrikultura at food security, pagpo-promote ng energy security, pagpapalakas sa kalakalan at pagtatayo ng supply chain resilience, pagpapalakas sa connectivity at digitalization, at pagprotekta sa critical infrastructure.

Noong nakaraang taon, “the U.S. ranked as the third top Philippine trading partner with total trade valued at US$19.96 billion. In the same period, the U.S. ranked as the Philippines’ top export market and fifth import source amounting to US$11.54 billion and US$8.41 billion, respectively. The two nations established formal diplomatic relations on July 4, 1946. Such relations span 78 years.”

Tinatayang may 4.46 milyong Filipino ang nakatira sa Estados Unidos ‘as of 2022,’ dahilan para ang mga Filipino ang ituring na ‘third largest Asian group’ sa bansa.

Samantala, interesado naman ang CODELs na marinig ang pananaw at concerns ng Pilipinas ukol sa Tsina at kung ano ang magagawa ng Estados Unidos para suportahan ang paggigiit nito (Pilipinas) sa “sovereignty, sovereign rights, at jurisdiction” sa West Philippine Sea (WPS). Kris Jose