Home NATIONWIDE US Embassy sa Pinoy student visa applicants: SocMed gawing ‘public’ 

US Embassy sa Pinoy student visa applicants: SocMed gawing ‘public’ 

MANILA, Philippines – Inatasan ng US Embassy sa Manila ang lahat ng aplikante ng F, M, o J nonimmigrant visa na gawing “public” ang kanilang social media accounts bilang bahagi ng proseso ng pagsusuri ng gobyerno ng Estados Unidos.

Layunin nito ang masusing pag-verify ng pagkakakilanlan at pagtiyak ng kwalipikasyon sa pagpasok sa US.

Simula 2019, kailangang ilahad ng mga aplikante ang kanilang social media identifiers sa visa application forms.

Ang F visa ay para sa akademikong pag-aaral, M para sa bokasyonal o di-akademikong pag-aaral, at J para sa mga exchange visitor programs.

Binanggit ng embahada na mahalaga ang pagsusuri ng social media upang matukoy ang mga aplikanteng hindi karapat-dapat o maaaring banta sa seguridad ng US. RNT