Nagsagawa ng protesta ang grupong transportasyon na PISTON sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Martes, Hunyo 24, laban sa malakihang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Kasama sa mga nagprotesta ang mga drayber at operator ng jeep mula Cubao, Bagong Silang, at Novaliches.
Nanawagan sila na ibasura ang oil deregulation law at ipatigil ang VAT at excise tax sa mga produktong petrolyo.
Binigyang-diin ni PISTON presidente Mody Floranda na taktika lamang ng mga kompanyang langis ang staggered price hike at hindi sapat ang subsidiya ng gobyerno kung tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo.
Itinaas ng mga pangunahing kumpanya ng langis ang presyo ng gasolina sa dalawang bahagi ngayong linggo, kasunod ng kahilingan ng Department of Energy na paluwagin ang epekto sa mga mamimili.
Nangako si Pangulong Marcos ng subsidiya para matulungan ang mga sektor na maaapektuhan. Santi Celario