Home NATIONWIDE Franchise consolidation ‘di rekisito sa fuel subsidy – DOTr

Franchise consolidation ‘di rekisito sa fuel subsidy – DOTr

262
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na hindi kailangang consolidated o pinagsama-sama sa mga kooperatiba o prangkisa ang mga drayber at operator ng pampublikong sasakyan para makatanggap ng fuel subsidy ng gobyerno sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa sigalot ng Iran at Israel.

Ang P2.5 bilyong pondo para sa subsidiya ay ipamamahagi sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kapag umabot ang presyo ng krudo sa $80 kada bariles.

Sa ilalim ng “Pantawid Pasada” program, ang mga tricycle drivers ay nakatanggap ng P1,100, samantalang ang mga modern jeepney operators ay nakatanggap ng hanggang P10,500.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang DOTr at LTFRB sa iba pang ahensya upang mapabilis ang pamamahagi ng ayuda, alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos Jr.

Nagpatupad ng staggered price hike ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo, kung saan tumaas ang presyo ng gasolina ng P1.75 at diesel ng P2.60 kada litro. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here