
Kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang anim na flight ngayong Hunyo 24 at 25 dahil sa lumalalang sitwasyon sa Gitnang Silangan.
Kabilang sa apektadong biyahe ang:
PR 684 Manila – Doha
PR 658/659 Manila – Dubai – Manila
PR 654/655 Manila – Riyadh – Manila
Kabilang din sa kinansela ang flight PR 685 Doha – Manila para sa Hunyo 25.
Maaaring mag-rebook ang mga pasahero sa loob ng 60 araw, humiling ng refund nang walang multa (maliban sa service charge), o ipapalit ang halaga ng ticket sa travel credits na may bisa ng isang taon. RNT