MANILA, Philippines – Naantala ang repatriation ng 31 OFWs mula sa Middle East dahil sa pansamantalang pagsuspinde ng Qatar sa kanilang himpapawid matapos ang missile attack ng Iran sa isang US military base sa Doha, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ligtas ang mga OFWs mula Israel, Jordan, Palestine, at Qatar, sabi ni DMW Secretary Hans Cacdac.
Bukas na ang himpapawid ng Qatar at inaayos na ang bagong iskedyul ng kanilang biyahe.
Pinayuhan ni Cacdac ang mga OFWs na manatiling kalmado at umasa lamang sa opisyal na advisories ng gobyerno.
Walang Pilipino ang nasaktan sa Qatar sa nangyaring atake. RNT