Home NATIONWIDE US green card applicants posibleng kailangang bumalik sa Pilipinas — bagong USCIS...

US green card applicants posibleng kailangang bumalik sa Pilipinas — bagong USCIS memo

52
0

WASHINGTON, USA – Maaaring kailanganin ng mga bagong aplikante ng US Green Card o permanent resident status na bumalik sa Pilipinas at dumaan sa tradisyunal na proseso ng immigration sa mga US embassy o konsulado, ayon sa bagong memorandum ng US Citizenship and Immigration Services (USCIS).

Ayon sa memo, ang Adjustment of Status—ang proseso kung saan maaaring mag-apply ng green card habang nasa US—ay itinuturing na “extraordinary” privilege lamang at hindi karapatan.

“Adjustment of status is an extraordinary relief,” ayon sa USCIS, na binigyang-diin na isa lamang itong “administrative grace” batay sa mga desisyon ng US Supreme Court at Board of Immigration Appeals.

Sa ilalim ng bagong patakaran, posibleng maapektuhan ang daan-daang libong aplikante sa US. Maaaring kailanganin ng ilan na umalis muna ng bansa at mag-apply sa labas ng Amerika.

Mas mahigpit ding susuriin ng immigration officers ang mga aplikante, lalo na ang mga lumabag sa visa conditions, nag-overstay, nagtrabaho nang walang permit, o hindi nanatiling legal ang status.

Ayon sa USCIS, ang mga nonimmigrant at parolee ay inaasahang aalis ng US kapag natapos na ang kanilang layunin sa pananatili, at ang permanent residency ay dapat karaniwang ina-applyan sa labas ng bansa.

Pinuna naman ng Congressional Asian Pacific American Caucus chair na si Rep. Grace Meng ang bagong polisiya, at sinabing magdudulot ito ng matinding perwisyo sa mga legal na imigrante.

“Students, researchers, entrepreneurs, and other temporary visa holders who followed the law and built their lives in the United States would be forced to abandon their livelihoods in order to apply for permanent residency,” ayon sa kanyang pahayag.

Sinabi rin niya na lalabanan nila ang bagong polisiya at hihilingin ang pagbawi nito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here